Astang siga si Mike Arroyo
Newsbreak has a more detailed account of this morning’s hearing complete with background of the case. Click here.
Isinalang si Mike Arroyo kahapon sa witness stand sa kasong libel na kanyang isinampa laban kay Jake Macasaet, publisher ng Malaya at business editor Rosario Galang.
“Ang yabang ng dating,” sabi ng isang reporter na nandun sa hearing. Tatlo at kalahating oras sa witness stand si Arroyo.
Nagsisimula pa lang ang hearing, mainit na ang ulo ni Arroyo at may pagka-siga ang sagot sa mga tanong ng abogado ni Macasaet na si Atty. Paul Arias. Nakipagdebate sa abogado kaya sinabi sa kanya ni Arias, “Sagutin mo ang aking tanong. Hindi ka dapat nakiki-pagdebate sa counsel.”
Aba, napikon si Arroyo, tumayo at hinamon si Arias, “If you want, let’s settle this outside.” (Kung gusto mo sa labas na lang natin ito lutasin).
Hindi siya inurungan ni Arias na sumagot, “Alright, let’s settle this outside.” (Halika, doon tayo sa labas.)
Biglang nahimasmasan si Arroyo at humingi ng paumanhin sa korte sa kanyang asta. “I’m sorry Your Honor, it will not happen again,” sabi niya.
Ang kanya namang chief of staff na si Juris Soliman ang dakdak ng dakdak. Nagku-komento siya ng malakas kapag hindi niya nagugustuhan ang tanong ni Arias sa kanyang amo.
Hiningi ni Arias na palabasin si Soliman sa courtroom. Pinalabas nga.
Ang kasong ito, isa sa dalawang libel suit na isinampa ni Arroyo laban sa Malaya, ay tungkol sa artikulong sinulat ni Macasaet sa kanyang kolum na Business Circuit noong July 9 at July 13, 2004.
Tinanong ni Macasaet bakit hindi natulungan ni Arroyo ang kapatid na babae, si Rowena Junio, ng isang miyembro ng Presidential Security Group na may sakit na brain tumor na naka-confine noon sa V. Luna Hospital. Katatapos lang ng eleksyon noon. Di ba namamayagpag palagi si Arroyo na marami raw siyang charity projects.
Ikinuwento ni Macasaet na ng humingi ng tulong sina Junio sa Malaca?ang, itinuro lang sila sa Philippine Charity Sweeepstakes.
Nang lumabas ang kolum ni Macasaet July 9, kaagad may pinapunta si Mike Arroyo sa V. Luna para tumulong sa gastusin ni Junio. Sinulat rin ito ni Jake. Ang title ng kanyang kolum ay, “Thank you. Mr. Arroyo”
Sinabi ni Jake na ang askyon ni Arroyo ay pagkatapos lumabas sa diyaryo ang kaso. Sabi ni Jake, kung hindi kaya isinulat, magbibigay ba ng tulong si Arroyo? Sinabi pa ni Jake na sana matulungan pa ang ibang nangangai-langan kahit hindi maisulat sa diyaryo.
Aba, libelous raw yun, sabi ni Arroyo.
* * *
Blog:www.ellentordesillas.com
E-mail:ellentordesillas@gmail.com
Other articles: